Magtatapos sa Korte Suprema ang Kailian march ng mga Marcos loyalists.
Ang Kailian ay salitang ilocano na ang ibig sabihin ay mga kababayan.
Nagmartsa ang mga Marcos Loyalists mula Ilocos Norte patungo ng Metro Manila bilang bahagi ng pakikipaglaban nilang mailibing sa libingan ng mga bayani ang yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Napag alamang nagsagawa ng ibat ibang aktibidad ang mga Marcos loyalists sa mga dinaanan nilang lugar tulad ng flower offering sa San Fernando La Union, candle lighting sa Pangasinan at misa naman sa Moncada, Tarlac.
Bukas, October 18 nakatakdang magtapos ang status quo ante order na inilabas ng Korte Suprema sa isyu ng pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani.
Una rito, nagsumite rin ang Marcos Loyalists ng manifestation kalakip ang Isang Milyong lagda ng pagsuporta sa pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani.
By: Len Aguirre