Maka-ilang beses nang nakapasok ang Pilipinas sa Guinness World Record dahil sa mga kakaibang kaganapan na isinagawa rito, at kamakailan lang ay dumagdag sa listahan ang isang pambihirang hotel na hugis… manok?
Kung ano ang kwento sa likod nito, alamin.
Kung ikaw ang makakakita ng isang dambuhalang manok sa kalagitnaan ng isang pasyalan, sasagi ba sa isip mo na isa itong hotel at hindi lamang isang estatwa?
Sa Campuestohan Highland Resort na pag-aari ni Ricardo Cano “Gwapo” Tan sa Negros Occidental, matatagpuan ang isang hotel na hugis manok na talaga nga namang kapansin-pansin dahil sa taas nito na 114 feet at 7 inches.
Nasungkit nito ang Guinness World Record dahil sa pagiging pinakamalaking imprastraktura na hugis manok.
Sinimulan ang construction ng hotel noong June 2023 at natapos nito lang September. Mayroon itong labinlimang air-conditioned roooms na handa nang magsilbing panandaliang tuluyan para sa mga bakasyonista.
Ayon sa owner na si Tan, nais niya raw lumikha ng isang bagay na kapansin-pansin na siya ring magbibigay ng karangalan sa isa sa malaking parte sa kanilang kultura na gamefowl o sabong na pumapangalawa sa sugar industry.
Sinabi pa nito na ang dambuhalang manok daw ay repleksyon ng malakas at kalmadong pag-uugali ng mga lokal sa Negros Occidental.
Ikaw, anong masasabi mo sa kakaibang hotel na ito?