Ano ang mga ginagawa mong hakbang upang protektahan ang iyong bahay?
Sa South Africa, isang kakaibang machine gun ang ginagamit ng mga residente upang pigilan ang pagpasok ng mga kawatan sa kanilang tahanan.
Ito ang Sublethal Remote Gun.
Ang Sublethal Remote Gun ay isang non-lethal device na inilalagay sa labas ng bahay.
Katulad ng submachine gun, tuloy-tuloy ang putok ng remote gun. Kinokontrol ito sa pamamagitan ng phone at kapag i-turn on, maglalabas ito ng 17mm nylon bullets sa target. Hindi ito nakamamatay, ngunit nagbibigay ito ng pinsala sa sinumang matatamaan nito.
Sa South Africa, hindi kinakailangan ng lisensya sa paggamit ng Sublethal Remote Gun. Subalit hindi dapat ito basta lamang papaputukin kung wala namang banta dahil maituturing na ito bilang assault.
Sa panahon ngayon, mabuti nang magkaroon ng plano upang maprotektahan ang ating tahanan at mga mahal sa buhay.