Mahilig ka bang kumain ng meatball?
Gawa ang pangkaraniwang meatball sa giniling na baboy o baka. Pero ibahin mo itong meatball ng Canada na gawa sa balls o testicles ng hayop! Literal na meatball, ika nga.
Ito ang Rocky Mountain oysters.
Dahil nangangailangan ang sinaunang ranchers ng mas murang mapagkukunan ng pagkain, sinubukan nilang lutuin ang iba’t ibang parte ng karne, kabilang na ang testicles o “oysters.”
Kadalasang gawa sa testicles ng baka ang Rocky Mountain oysters, ngunit ginagamit din ang baboy at tupa. Matatagpuan ang oysters na ito sa western Canada at Amerika kung saan laganap ang castration o pagkapon.
Maraming pwedeng luto ang testicles ng hayop, tulad ng gisa, prito, o poached.
Sa sobrang patok nga ng Rocky Mountain oysters, mayroong inoorganisang Testicle Festival kada taon kung saan tampok ang putaheng ito.
Mayaman ang Rocky Mountain oysters sa vitamins, minerals, at protein. Ayon sa mga nakatikim na, kalasa nito ang karne ng usa at calamares.