Kilala ang mga Japanese sa pagiging disiplinado at magalang. Sa katunayan, itinuturing sila bilang standard pagdating sa mga katangiang ito.
Ito ay dahil bata pa lamang, itinuturo na sa kanila ang tamang asal.
Patunay rito ang isang batang Japanese na nagpakita ng ligtas at tamang paraan ng pagtawid sa kalsada sa isang viral video.
Upang tumawid, kailangan munang tumayo ng bata sa stop road marking malapit sa pedestrian lane at maghintay.
Kapag huminto na ang mga sasakyan, tatawid na ang bata habang nakataas ang kamay, isang signal na nagsasabing, “Please stop.”
At kapag ligtas nang nakarating sa kabilang bahagi ng kalsada, magpapasalamat ang bata sa driver sa pamamagitan ng pag-bow o pagyuko.
Hinangaan naman ito ng mga netizen. Karamihan sa kanila, natuwa sa disiplinang ipinakita ng mga batang Japanese.
Pinuri rin nila ang pagsunod ng mga residente sa mga patakaran at regulasyon sa kalsada.
Isang Pinoy netizen naman ang ikinumpara ito sa Pilipinas at nagsabing binubusinahan pa ng mga driver ang mga tumatawid, kahit nasa pedestrian lane naman. Ang iba pa nga, binibilisan lalo ang pagmamaneho kapag dumadaan dito upang hindi na huminto at maabutan ang mga tumatawid.
Kaya kung ikaw ang tatanungin, dapat bang tularan sa Pilipinas ang ganitong paraan ng pagtawid ng mga Japanese?