Pinangalanan na ang surprise singer na kakanta ng National Anthem sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa Hulyo 24.
Kinumpirma ito ni ni House Secretary General Reginald Velasco, na si Soprano Singer Lara Maigue ang kakanta ng pambansang awit ng bansa.
Si Maigue, ay isang classically trained soprano na sumikat online sa kanyang kamangha-manghang vocals sa classical piece na Mozart na “Queen of the Night” version at nakakuha ng mahigit 21 million view sa Instagram.
Nabatid na sa unang SONA ni Pangulong Marcos Junior noong nakaraang taon, isang choir mula sa Ilocos Region ang kumanta ng Lupang Hinirang sa plenaryo ng KAMARA.