Hinimok ni Senador Imee Marcos ang gobyerno na magsagawa ng comprehensive inventory sa local white onions para masuri kung gaano kabigat ang kakulangan sa sibuyas.
Ayon kay Marcos, makakatulong din sa gobyerno ang pagi-inventory para malaman kung meron bang traders na nagho-hoard ng puting sibuyas.
Nagbabala naman ang Senadora tungkol sa mga smugglers na sinasamantala ang sitwasyon upang maibenta ng higit pa sa orihinal na presyo ang kanilang mga produkto.
Samantala, nangangamba naman si Marcos na maaaring umabot ang kakulangan sa suplay ng sibuyas hanggang Disyembre dahil sa maulang panahon na pwedeng maging sanhi ng pag-usbong o pagkabulok ng mga sibuyas sa imbakan. —sa panulat ni Hannah Oledan