Naging malakas ang buying power ng mga Pilipino ngayong taon.
Ito ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang napansin sa kanilang buong taong monitoring ng mga produktong ibinebenta sa mga pamilihan.
Para ngayong panahon ng Kapaskuhan, pinuna ng DTI ang mabilis na pagkaubos ng mga produktong pang noche buena sa mga pamilihan kumpara sa mga nagdaang mga taon.
Gayunman, tiniyak ni DTI Undersecretary Victorio Dimagiba na sapat ang suplay ng mga produktong ginagamit sa Kapaskuhan hanggang sa katapusan ng taon.
“Maganda po ang monitoring ng DTI, pagpapairal ng SRP sa noche buena products, ang lakas talaga ng buying ng mga consumer ngayong taong ito, nagugulat po yung mga supermarket, ang bilis pong maubos talaga, kaya minsan hindi makaabot yung mga delivery sap ag-replenish ng mga supply.” Pahayag ni Dimagiba.
By Len Aguirre | Ratsada Balita