Kakulangan ng mga bus at driver ang itinuro ng ilang operator na dahilan ng mahabang pila ng mga pasahero sa EDSA carousel, kasabay ng pagsisimula nang paniningil ng pasahe nitong Enero a – 1.
Una nang inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ibinalik na sa normal level na 550 ang bilang ng mga bus sa EDSA carousel mula sa dating 758 noong holiday season.
Ayon kay samahan ng mga Transport Operators ng Pilipinas Executive Director at Metrolink Corporation Managing Director Patricia De Belen, maaaring dahilan ng kakulangan ng mga tsuper ay nagpahinga ang ilan sa mga ito noong bagong taon.
Ito anya ang unang beses na pumasada sila ng pasko kaya’t marami sa kanilang empleyado ang nagpasyang mag-leave sa trabaho noong linggo lalo’t holiday noong Enero a – 1 hanggang a – 2.
Idinagdag ng transport leader na posible ring nagkaroon ng “maintenance issues” na nagresulta sa kakulangan ng mga bus unit.
Idinagdag pa ni De Belen na kinailangan rin nila ng mas maraming konduktor lalo’t sinimulan nang maningil ng pasahe bunsod ng pagtatapos ng libreng sakay.
Umaasa naman ang mga operator na magiging normal na ang kanilang mga biyahe bukas at mapupunan ang kakulangan ng bus at driver.