Pinawi ng Food and Drug Administration ang pangambang magkaubusan ng hiringgilyang ginagamit sa pagbabakuna kontra Covid-19.
Ayon kay FDA Center for Device Regulation, Radiation, Health, at Research Director Maria Cecilia Matienzo, matagal nang ini-rerehistro ang mga hiringgilya at marami ring rehistradong imported syringes.
Iginiit ni Matienzo na hindi na saklaw ng FDA ang pagbili o distribusyon ng mga Hiringgilya sa iba’t-ibang lugar dahil ang Department of Health ang may kontrol sa procurement nito.
Una nang inihayag ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero na naantala ang Covid-19 vaccination sa kanilang lalawigan makaraang hindi mabigyan ng mga Hiringgilya. —sa panulat ni Drew Nacino