Nababahala ang Commission on Elections o COMELEC sa Batangas dahil sa kakulangan ng mga kandidato para sa Sangguniang Kabataan.
Ayon sa tala ng COMELEC, limang barangay ang walang kumandidatong SK Chairman, ilan dito ang Barangay San Pablo sa Bauan, Barangay San Juan sa Mabini at Barangay San Juan sa Tingloy.
Samantala labing anim (16) naman na barangay ang walang tumakbo bilang SK kagawad kung saan karamihan dito ay barangay sa Batangas City at Lobo.
Sinabi ni Batangas Election Supervisor Atty. Gloria Petallo na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng maraming barangay na walang kandidato para sa SK.
Bukod pa aniya rito ay kapansin-pansin din na mayroong mga barangay na iisa lamang ang tumakbo para sa posisyon.
Samantala, kaugnay nito ay wala pang malinaw na hakbang ang Department of Interior and Local Government o DILG para solusyunan ang kakulangan sa mga kandidato.
—-