Hindi lang ang pagkakaroon ng agam-agam ng publiko sa pagpapabakuna ang dahilan kung bakit mabagal ang usad ng vaccination program sa bansa.
Paliwanag ni Dr. John Wong, Epidemiologist ng Epimetrics Inc., isa rin sa malaking dahilan ay ang kakulangan ng suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Ani Wong, natutuon lamang ang atensyon sa mga mayroong agam-agam sa pagpapabakuna ngunit hindi dapat aniyang kalimutan ang 32% ng Pilipino na nagsabing tiwala o handang magpabakuna.
Hindi aniya nababakunahan pa ang malaking bahagi ng 32% na ito dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna.
Sa ngayon umano ay kasalukuyang inaabot pa ang bilang ng target na mababakunahan sa mga prayoridad na sektor kabilang ang nasa A2 o senior citizen o A3 o mga persons with comorbidities.