Ibinabala ng mga lokal na magsasaka ang posibleng kakulangan ng suplay ng gulay at prutas sa Zamboanga Peninsula ngayong darating na holiday season.
Batay sa ulat ng Department of Agriculture (DA), epekto ito ng nararanasang El Niño phenomenon sa bansa kaya’t hirap sa pagtatanim ang mga magsasaka.
Ayon naman sa PAGASA, ang severe drought na nararanasan sa Zamboanga Peninsula ay tatagal hanggang Abril ng susunod na taon.
Dahil dito, sa Bukidnon kumukuha ngayon ng suplay na gulay at prutas ang mga taga -Zamboanga sa mas mataas na halaga.
By Ralph Obina