Pinangangambahang magkulang ang suplay ng oxygen sa lalawigan ng Batanes sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 doon.
Ayon kay Batanes Gov. Marilou Cayco, mabilis ang hawahan ng COVID-19 sa lalawigan ngunit hindi pa batid kung ito’y dahil sa delta variant.
Sinabi naman ni Dr. Jeffrey Canceran, Medical Chief ng Batanes General Hospital, bagama’t may sarili silang oxygen plant ay hindi ito nakakapag-produce nang maramihan dahil sa nagdaang bagyong Lannie.
Sa ngayon, mayroong 574 ang active COVID-19 cases sa Batanes matapos madagdagan ng 68 mga bagong kaso.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico