Tiniyak ng Malakanyang na mabibigyang solusyon ang problema sa kakulangan sa suplay ng tubig sa Metro Manila.
Ito ay matapos i-anunsyo ng Maynilad at Manila Water ang muling pagpapatupad ng water service interruptions bunsod ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat at Ipo dam dahil sa madalang na pag-ulan.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, hinahanapan na ng solusyon ng pamahalaan ang problema sa suplay ng tubig para hindi na ito lumala at umabot sa krisis.
Iginiit pa ni Panelo na hindi ito ang unang pagkakataon na nakaranas ng water shortage ang kalakhang Maynila kung saan natugunan naman aniya.
Una nang ibinabala ni National Security adviser Hermogenes Esperon Jr. ang posibilidad na lumala at magpaulit ulit ang problema sa suplay ng tubig kung hindi makabubuo bagong mapagkukunan bilang pangmatagalang solusyon.