Itinuturo ngayong dahilan ng fuel at food crisis sa Sri Lanka ay ang kakulangan sa foreign exchange o ang aspeto ng pagbili, pagbebenta at pagkikipagpalitan ng mga pera sa kasalukuyang mga presyo nito.
Nabatid na said na ang produkto ng langis sa Sri Lanka bunsod ng mataas na presyo nito sa International market at walang katiyakang pagkaantala ng mga Oil imports sa bansa.
Samantala, napag-alam na ilang ospital naman sa nasabing bansa ang nag-ulat ng matinding pagbaba sa attendance ng mga medical staff bunsod din ng kakulangan sa gasolina.
Dahil dito, nagsagawa na ang gobyerno ng pamamahagi sa mga kaunting suplay na natitira sa bansa sa pamamagitan ng ilang mga pumping station.