Nararamdaman ng mga pribadong ospital sa bansa ang kakulangan sa healthcare workers.
Ito ang sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) Dr. Jose Rene De Grano dahil marami ng healthcare workers ang lumipat sa pampublikong ospital o kaya naman ay nangibang bansa.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na nangangailangan ang public at private facilities ng 106,000 nurses.
Bukod sa shortage sa mga nurse, kulang din ng 67,000 physicians; 6,000 pharmacists; 5,500 radiologic technologists; 4,400 medical technologists; 1,600 nutritionists; 700 midwives; 223 physical therapists at 87 dentists.