Marami umanong pinagmumulan ang “vaccine hesitancy” o ang agam-agam na magpabakuna ng mga tao.
Ito’y ayon kay Dr. Ted Herbosa, special adviser to the National Task Force against COVID-19 matapos lumabas ang ulat na marami ang natatakot na magpabakuna sa mga class D at class E.
Ayon kay Herbosa, isa sa dahilan kaya natatakot ang iba na magpabakuna ay dahil sa kakulangan sa “health literacy” o kaalaman tungkol sa bakuna.
Pangalawa aniyang dahilan ay ang pagdududa sa bakuna dahil sa naging karanasan sa isang kontrobersiyal na bakuna.