Kakulangan sa bumi-byaheng provincial bus ang itinuturong dahilan ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) kung bakit maraming nagsulputang mga kolorum na sasakyan ngayon.
Ayon kay PBOAP Executive Director Alex Yague, marami nga ang nabuksang ruta pero marami pa ring lugar ang wala pang nabiyahe gaya sa probinsya ng Pangasinan.
Dahil aniya rito napipilitan ang mga pasahero na makipagsapalaran sa mga kolorum dahil ito lamang ang itinuturing nilang alternatibong transportasyon.
Ilan pa umano sa mga walang biyahe ng provincial bus ay sa Bicol at Quezon.