Nangangamba ang ilang namamahala sa mga evacuation center sa Batangas na hindi na makasapat ang mga relief goods na ipinamamahagi sa mga bakwit doon.
Ayon kay Jackie De Taza, coordinator ng evacuation center, patuloy na dumarami ang mga bakwit sa kanilang lugar ngunit pakaunti na rin ng pakaunti ang kanilang relief goods.
Sinabi ni Taza na tinatayang apat hanggang limang araw na lang tatagal ang suplay ng relief goods.
Aniya, nasa 6,000 na ang evacuees sa kanilang lugar ngunit nadadagdagan pa ito matapos i-lockdown ang ilan pang bayan.
Humingi na rin umano ng tulong sa kanila ang ilang residente na kumupkop ng iba pang mga evacuee.