Itinuturing ng Department of Education (DepEd) ang mga pampublikong paaralan bilang “congested” o siksikan dulot ng kakulangan sa pasilidad.
Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, magpapatupad ng stratehiya ang regional directors tulad ng shifting schedules sa pagbubukas ng full in-person classes sa Nobyembre para maiwasan ang congestion sa loob ng mga silid-aralan.
Isa aniya sa tinitignan nilang mga paaralan ay ang region 4-A o Calabarzon.
Ngunit paliwanag ni Poa, pinag-iisipan na ng kanilang departamento ang posibleng long-term solutions gaya ng pagtatayo ng karagdagang silid-aralan at pasilidad at pag-i-institutionalize ng blended o distance learning.
Pagtitiyak naman ni Poa, bagama’t ikinasa na ang 5-day-in-person-classes sa Nobyembre 2, ay hindi mababalewala ang presensya ng COVID-19 dahil may mga nakalatag nang health guidelines sa bawat eskuwelahan. —mula sa panulat ni Hannah Oledan