Muling nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi nagkulang ang suplay ng gamot sa bansa.
Kasunod ito ng balitang nagkakaubusan na ng suplay ng mga gamot partikular na ang paracetamol at iba pang brand sa ilang mga pharmacy at drug stores.
Ayon kay Duque, walang katotohanan ang kumakalat na balitang nagkakaubusan ng gamot kaya hindi kailangang magpanic ang publiko.—sa panulat ni Angelica Doctolero