Muling nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi nagkulang at sapat ang suplay ng gamot sa bansa.
Kasunod ito ng balitang nagkakaubusan na ng suplay ng mga gamot partikular na ang paracetamol at iba pang brand sa ilang mga pharmacy at drug stores sa Metro Manila.
Ayon kay Duque, walang katotohanan ang kumakalat na balitang nagkakaubusan ng gamot sa mga botika kaya hindi dapat magpanic ang publiko.—sa panulat ni Angelica Doctolero