Gumagawa na ng paraan ang Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO) na maayos ang kanilang Power Supply Agreement sa Energy Regulatory Commission (ERC).
Dahil ito sa hindi magandang sitwasyon ng lalawigan kaugnay sa krisis sa suplay ng kuryente at nagbabadyang pagsasara o shutdown ng power provider.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Department of Energy (DOE) Undersecretary Rowena Guevara na kailangan ding maaprubahan ng ERC ang rates ng electric cooperative sakaling may papalitan.
Bukod dito, mayroon aniyang permanenteng solusyon na ginagawa ang ahensya hinggil sa usapin sa pamamagitan ng National Transmission Corporation.