Inamin ng Department of Agriculture (DA) na kapos ang suplay ng luya sa merkado kaya mahal ang presyo nito sa ilang pamilihan.
Ngunit ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, hindi nila inaasahan ang biglaang pagsirit ng presyo ng luya sa mga pamilihan.
Gayunman, nilinaw ni Alcala na normal lamang ang pangyayaring ito dahil sa tuwing 10 buwan lamang naaani ang luya kaya’t nagkukulang ang suplay.
“Normal po kasi na during these days ay medyo magtataas ng presyo kahit last year, dahil ngayong po ang panahon ng pagtatanim, wala pong masyadong harvest ngayong June at July.” Pahayag ni Alcala.
By Jaymark Dagala | Ratsada Balita