Nanawagan sa gobyerno ang Alkalde ng Laua-an, Antique na ma-fast track o mabigyan ng pansamantalang tulay ang kanilang lalawigan makaraang masira ang dalawang tulay bunsod ng pananalasa ni Bagyong Paeng.
Ayon kay Mayor Aser Baladjay, isolated pa rin ang mga bayan sa bahagi ng Antique maging ang kalapit nilang lugar partikular na ang Iloilo City kung saan, kinukulang na ang suplay ng pagkain at langis.
Sinabi ni Baladjay na pahirapan sa pagpasok ng mga ayuda ang mga nais magbigay ng tulong bunsod ng nasirang tulay dahilan kaya hirap sa pagkuha ng mga pagkain partikular na ang bigas, langis, malinis na inuming tubig, gamot at iba pang necessities ang mga residente.
Sa ngayon, umaasa ang mga bayan sa Antique na mabibigyang pansin ang kanilang hiling na temporary bridge, bilang palit sa naputol na tulay sa kanilang lugar.