Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na mayroon talagang kakulangan sa suplay ng pagkain.
Sa panayam ng DWIZ, ipinaliwanag ni DA Spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes na ito ay dahil sa seasonal fluctuation ng suplay ng pagkain.
Pero sinabi ni Reyes na hindi solusyon ang pag-import ng pagkain sa mga pagkakataon na may food crisis ang bansa kundi ito ay para lamang sa kakulangan.