Kasalukuyang nakararanas ng kakulangan sa suplay ng sibuyas at bawang ang bansa.
Ito ang inamin ni Agriculture Secretary William Dar sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng senado.
Ayon kay Dar, hindi gaanong nakapag-ani ng maraming sibuyas at bawang ang mga magsasaka.
Aniya, nasa 8% lamang ng kabuuang consumption o nagagamit na suplay ng mga tao ang kasalukuyang lokal na produksyon ng bawang habang 85% naman sa sibuyas.
Dahil dito, sinabi ni Dar na target nilang taasan ng 10% hanggang 15% ang produksyon ng sibuyas.
Gayunman, aminado si Dar na mahihirapan namang madagdagan ang produksyon ng bawang sa bansa.