Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa posibilidad nang pagkakaroon ng bilyun-bilyong shortage o kakulangan sa supply ng syringe sa susunod na taon.
Sinabi ni WHO’s Senior Advisor Lisa Hedman, na kailangang sumabay ang pagtaas ng supply ng syringge sa tumataas na supply ng doses ng COVID-19 vaccines.
Ani Hedman magiging hadlang ang mabagal na produksyon ng hiringgilya sa vaccine efforts ng mga bansa.
Samantala, ayon sa tala na inilabas ng Agence France-Presse, na isang press company, pumalo sa mahigit 7.25-B ang bilang ng COVID-19 vaccine doses ang naipamahagi na sa buong mundo.
Kung saan dumoble ang numero sa nakagawiang bakunahan taun-taon at dalawang beses ang dami ng syringe na kinakailangang gamitin. —sa panulat ni Joana Luna