Nakararanas na ng kakulangan sa suplay ng tubig ang ilan sa mga kabahayan sa Cebu City.
Ito’y dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa Buhisan dam na isa sa pinakamalaking pinagkukunan tubig sa Cebu.
Ayon kay Metropolitan Cebu Water District (MCWD) spokesperson Charmaine Rodriguez Kara, mula sa 7,000 cubic meters ngayon ay nasa 2,300 cubic meters na lamang ang lebel ng tubig sa naturang dam kung saan mas mababa na sa critical level.
Dahil dito, umaasa na lamang rasyon ng tubig ang mga kabayahan na apektado ng water shortage.