Hindi pinalampas ng mga otoridad ang ilang mga kalabasang inihatid sa Davao City Jail, matapos makitaan ng hinihinalang shabu ang isa rito.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology, nadiskubreng naglalaman ng mga tabako na may limang pakete ng hinininalang shabu ang mga kalabasa.
At nasa tatlong daang libong pisong halaga ang nakumpiskang illegal na droga.
Hinuli ang dalawang suspek na naghatid sa kalabasa na itinatangging may ibang motibo ang kanilang pagde-deliver ng gulay. Haharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.
Ayon sa otoridad, pang-pitong insidente na nang pagpupuslit ng pinagbabawal na gamot ang naitala ng Davao City Jail, ngayong taon.—sa panulat ni Joana Luna