Pagbabatayan ang kalagayan at kapasidad ng ospital sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang magiging quarantine status sa Abril.
Ito ang inihayag ng Malacañang sa gitna ng pangamba sa lalo pang pagsirit ng bilang ng kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isa ito sa tinatawag nilang formula sa pagdedesisyon kung ano ang susunod na hakbang o magiging klasipikasyon ng protocol.
Paliwanag ni Roque, malinaw na sa oras na maging problema na ang kapasidad sa mga pagamutan, kailangan nang baguhin ang quarantine classification upang matugunan ang pagkaubos ng kama sa mga ospital.
Sa ngayon, nasa 55% ang availability ng mga ICU (Intensive Care Unit) at nasa halos 60% pa rin aniya ang mga wards at COVID ward ng mga pagamutan sa bansa sa kabuuan.