Nasa low risk pa rin ang Pilipinas pagdating sa COVID-19.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa kagawaran mas mahalaga ang mababang bed at ICU utilization rate na nangangahulugan anilang bukas at maluwag pa rin ang mga ospital.
Ngunit ayon naman kay preventive health education at health reform Dr. Tony Leachon, kailangan pa ring mapigilan ang pagkalat ng impeksyon kahit upang mapataas ang produktibidad ng ekonomiya at hindi dapat magpakampante ang bansa.