Nasa ilalim na ng “moderate-risk” classification sa COVID-19 ang Pilipinas.
Ito, ayon kay DOH-Epidemiology Bureau Director, Dr. Alethea De Guzman, ay dahil nakapagtala na ang bansa ng two-week negative growth rate sa average ng bagong kaso ng COVID.
Nakapagtala anya ang bansa ng negative 4% sa nakalipas na isa hanggang dalawa linggo kumpara sa 27% noong unang linggo ng Setyembre.
Batay din sa datos ng DOH, naabot ng bansaang peak noong ikalawang linggo ng setyembre na average daily reported cases na 20,946.—sa panulat ni Drew Nacino