Muling tiniyak ng United Filipinos in Hong Kong na nasa maayos na kalagayan ang mga pilipinong nagtra trabaho doon.
Sa gitna ito ng patuloy na lumalalang karahasan sa mga kilos protesta na malimit mauwi sa batuhan ng tear gas, rubber bullets at petrol bombs.
Ayon kay Dolores Balladares-Pelaez, mayroon silang Facebook groups kung saan nagpapalitan sila ng mga impormasyon hinggil sa mga protestang nagaganap at kung paano iiwas sa mga lugar na ito.
Ang tanging apektado anya ay ang kanilang mga pag titipon tuwing weekends na pinaikli na lamang nila dahil mahirap ang transportasyon bunga ng mga protesta.