Binabantayan na ng Department of Foreign Affairs sa pangunguna ng Philippine Embassy sa Wellington, New Zealand ang sitwasyon ng mga Filipino sa Tonga, Samoa at Fiji.
Ito’y matapos ang pagsabog ng isang underwater volcano sa Tonga na nagresulta ng tsunami na umabot ng Japan at malakas na pagyanig, noong sabado.
Ayon sa DFA, ligtas naman ang nasa 87 pinoy sa Tonga, 300 sa Samoa at 400 sa Fiji makaraang magsilikas patungo sa matataas na lugar.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Embahada sa mga lokal na otoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga pinoy sa mga nabanggit na lugar.
Samantala, nagkaroon ng problema sa linya ng komunikasyon sa Tonga kaya’t pahirapan ang pagkuha ng impormasyon mula sa naturang Isla.