Tiniyak ng Malakaniyang na nasa maayos ang kundisyon ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihayag ito ng Palasyo makaraang mapaulat na sumama ang pakiramdam ng Pangulo nuong araw ng kalayaan kaya’t hindi ito nakadalo sa flag raising ceremony sa Luneta, Maynila.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, marapat lamang na unawain ang kalagayan ng Pangulo lalo’t nakita naman ng lahat ang ginawa nitong pag-aasikaso sa mga sundalo na nasugatan dahil sa bakbakan sa Marawi city.
Mismong ang doktor ng Pangulo ayon kay Abella ang nagtiyak na wala itong malubhang sakit at ang naramdaman nito kamakailan ay dulot lamang ng sobrang pagod kaya’t dapat lamang ipahinga.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping