Pinarerepaso ni Senador Sherwin Gatchalian ang estado ng paggamit ng Filipino sign language para sa deaf education sa ilalim ng K to 12 program sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Layunin ng resolution no. 722 na inihain ni Gatchalian na suriin ang iba’t ibang mga isyu at suliranin ng deaf teachers at learners sa paggamit ng Filipino sign language.
Ikinababahala ng Senador na hindi naipapatupad nang maayos ang filipino sign language act
Kulang pa rin anya kasi ang training para sa mga guro, hindi naisusulong ang pagbibigay ng lisensya sa deaf teachers at nananatiling kulang ang mga kagamitan sa pagtuturo para dito, bagay aniya na mas nakita sa ilalim ng distance learning.
Sa ilalim ng batas ang Filipino sign language ay itinuturing na pambansang sign language.
Binigyang diin din ni gatchalian na ang licensure examination for teachers ay hindi dinisenyo upang maging tugma sa training ng mga deaf teachers.
Dahil dito, ang mga deaf graduates ay nagiging mistulang tutor imbes na magkaroon ng maayos na trabaho sa pormal na sistema ng edukasyon.
Noon aniyang isabatas ang Filipino sign language act, sinikap na maging mas madali para sa ating mga deaf learners at teachers ang makilahok sa sistema ng ating edukasyon, ngunit hanggang ngayon ay marami pa rin sa kanila ang nahihirapan. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)