Halos kalahati na ng COVID-19 bed capacity ng mga ospital sa Metro Manila ang nasa high risk na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 dahil sa Delta variant.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, anim na lungsod sa rehiyon ang may 60% intensive care unit bed utilization rate sa kanilang ospital.
Habang 70% naman sa iba pang rehiyon.
Itinuturing na moderate risk level hospital occupancy rate kung nasa pagitan ito ng 60 hanggang 70%, habang high risk naman kung nasa 71 hanggang 85%.
Critical risk naman kung aabot na sa 85% health occupancy rate batay sa panuntunan ng health department.