Kalahating porsyento ng mga Pinoy ang kumpiyansa sa ginagawang ebalwasyon ng gobyerno sa mga bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong ika-28 ng Abril hanggang ika-2 ng Mayo, 2021.
Lumabas sa survey, 51% ng mga Pilipino ang nagsasabing “confident” sila sa pangangasiwa ng gobyerno sa COVID-19 vaccines, 31% ang hindi sigurado at 17% naman ang hindi nagtitiwala.
Karamihan sa mga nagtitiwala ay mula sa Mindanao na mayroong 58%, sinundan ng Visayas na mayroong 55%, sa Metro Manila ay mayroong 49% habang mayroong 47% mula sa iba pang bahagi ng Luzon.