Naglaan ang Department of Evironment and Natural Resources o DENR ng kalahating bilyong piso para sa solid management program ngayong taon.
Ayon kay Environment Secretary Ramon Paje, ito ang kauna-unahang pagkakataon na binigyan sila ng pondo ng Kongreso para maisaayos ang pagtatapon ng basura partikular na sa Metro Manila.
Matindi aniya ang hamon para sa kanila na paigtingin ang kampaniya para sa pagpapatupad ng nasabing programa.
Kaya naman, target ng kagawaran ang pagpapatayo ng waste treatment facility sa pakikipagtulungan ng mga Local Government Units o LGU’s para mapababa hanggang sa tuluyang mabawasan ang lebel ng polusyon sa bansa.
By Jaymark Dagala