Hindi pa makapagbigay ng kongkretong bilang ang Armed Forces of the Philippines o AFP kung ilang terorista pa ang nananatili ngayon sa Marawi City.
Ito’y ayon ay AFP Spokesman Majore General Restituto Padilla makaraang kumpirmahin nito na may manaka-naka pa ring putukan ang naririnig sa main battle area.
Giit ni Padilla, aabot sa kalahating ektarya pa ng Marawi ang hindi pa nalilinis ng militar at may ilang bangkay din ang kailangan nilang i-rekober gayundin ang ilang bihag na kailangan ding sagipin.
Ginawa ng AFP ang pahayag kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapalaya sa Marawi City makaraang mapatay ng militar sina ISIS Emir Isnilon Hapilon, Omar Maute at Dr. Mahmud Ahmad na pawang mga lider terorista.