Aabot sa mahigit kalahating milyong doktor at medical staff, ang kakailanganin ng pamahalaan.
Ito ay para sa maasikaso ang rehabilitasyon ng mga drug addicts na sumuko sa pamahalaan.
Ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte, para matugunan ang problema sa rehabilitasyon ay plano na din ng administrasyon na magtayo ng rehabilitation centers sa mga kampo ng militar na pagdadalhan sa mga sumuko.
Sa kabila nito, aminado din ang pamahalaan na problema ang pagkukunan ng malaking pondo para malaban ang droga, lalo na at hindi ito natutukan sa mga nakalipas na administrasyon.
Binigyang diin din ng Pangulo na ang makukuhang mga doktor at medical staff ay makakatanggap ng parehong sahod ng mga nagta – trabaho sa pribadong ospital.
By: Katrina Valle (Reporter No. 23) Aileen Taliping