Tinatayang kalahating milyong ektaryang lupain ang target i-award ng Department of Agrarian Reform sa mga magsasaka sa susunod na sampung taon.
Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, ang nabanggit na hakbang ay nasa ilalim ng second phase ng land reform program ng gobyerno alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag din ni Castriciones na saklaw ng second phase ang forest lands, kabundukan at government lands kahit ang mga ini-award sa mga paaralan, military camps at kulungan.
Kabilang anya sa mga ipamamahagi ay nasa mga lalawigan ng Isabela, Quezon, Negros, Samar, Bukidnon, Agusan, Bicol Region at Autonomous Region of Muslim Mindanao.