Nasamsam ng mga otoridad sa pitong suspek ang nasa mahigit kalahating milyong pisong halaga ng shabu sa Old Housing, Brgy. Maharlika, Taguig City.
Kinilala ang mga biktima na sina, Rasul Gaylon, 18-anyos; Camilla Tabawan, 32-anyos; Dennis Ramir Bonifacio, 35-anyos; Samson Taha, 18-anyos; Litlie Laguialam, 23-anyos; Naora Saadudin, 38-anyos; at Theresa Reciproco, 41-anyos na mga residente sa nasabing lungsod.
Ayon kay SPD Director, Brig. General Jimili Macaraeg, may timbang na aabot sa 76.5 gramo ang naturang shabu na nagkakahalaga ng ₱520,200
Nakuha din sa mga suspek ang ilang pakete na naglalaman ng ‘shabu’, marked money, digital weighing scale at plastic bag.
Hawak na ngayon ng DDEU ang pitong suspek na nakatakdang sampahan ng paglabag sa RA 1965 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang itinurn-over naman ang mga narekober na ilegal na droga sa SPD Forensic Unit para sa chemical analysis. —sa panulat ni Angelica Doctolero