Inaasahang lalakas muli ang kalakalan ng Pilipinas at China dahil sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing sa Oktubre 18 hanggang 21.
Naniniwala ang mga Filipinong negosyante kasama sa biyahe ni Pangulong Duterte na daragsa ang mga Chinese businessmen sa Pilipinas.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, tiyak na lalago ang export ng Pilipinas lalo sa mga agri-product maging ang mga negosyong pag-aari ng mga Filipino na naka-base sa China.
Samantala, nilinaw ni NEDA Director-General Ernesto Pernia na marami pa ring mga foreign investor sa bansa taliwas sa mga ulat na nag-alisan ang mga ito dahil sa mga banat ni Pangulong Duterte sa Amerika, United Nations at European Union.
By Drew Nacino