Muling lumakas ang piso kontra dolyar, isang araw matapos ang national at local elections.
Nagsara kahapon ang palitan sa P46.75 kumpara sa P47.09 kada US dollar noong Biyernes.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kadalasang walang negatibong epekto sa kalakalan kung mayroong malinis at makatotohanang halalan.
Samantala, lumobo sa 824.65 million dollars ang halaga ng volume of trade sa pagsasara ng sesyon ng Philippine Stock Exchange kahapon kumpara sa 725 million dollars sa nakalipas na session.
By Drew Nacino