Posible umanong makaapekto sa kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at European Union o EU ang isyu ng extra judicial killings o EJK’s sa bansa.
Nakasaad sa isang resolusyon ng European Parliament na kung hindi bubuti ang lagay ng Pilipinas sa usapin ng mga nasabing pagpatay sa mga susunod na buwan , posibleng tanggalin sa Pilipinas ang GSP Plus o Generalized System of Preferences Plus.
Sa pamamagitan ng GSP Plus, pinahihintulutan ng European Union ang mga developing country o umuunlad na bansa na magbayad ng maliit na halaga lamang, o hindi magbayad, para sa mga produktong ineexport nila sa European Union.
Ngunit kapag hindi natugunan ng Pilipinas ang hinihiling ng European Parliament kaugnay ng pagpapatigil sa mga patayan na kaugnayan sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga , mabubuwisan na ang 2/3 ng mga produkto ng Pilipinas.
By Avee Devierte