Ilang bahagi ng kalansay ang nadiskubre sa itinatayong gusali sa compound ng Department of Justice sa Maynila, kahapon.
Kinumpirma ni Justice Undersecretary Brigido Dulay na narekober ang bungo at ilang buto sa apat na palapag na gusali sa likod ng main building ng DOJ.
Nagpatawag anya sila ng mga taga-NBI upang suriin ang mga buto at magsagawa ng imbestigasyon alinsunod sa utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Blangko naman si Dulay kung mayroong iba pang kalansay ang nahukay noon dahil ilang buwan pa lamang sila sa DOJ.
Taong 2009 nang makahukay din ang mga construction worker ng ilang bahagi ng kalansay sa DOJ, kabilang ang dalawang bungo na pinaniniwalaang inilibing mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas.