Asahan parin ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Aurora at Quezon province dulot ng shear line.
Magdadala naman ng makulimlim na panahon na may kasamang mga pag-ulan ang northeast monsoon o hanging amihan sa bahagi ng Cagayan Valley.
Fair weather condition naman ang mararanasan sa bahagi ng Ilocos Region at Cordillera Administrative Region (CAR) pero may posibilidad na mga isolated light rains lalo na sa umaga.
Patuloy paring makakaranas ng maaliwalas na panahon sa umaga hanggang tanghali ang Metro Manila at nalalabing bahagi pa ng Luzon pero mataas ang tiyansa ng mga pag-ulan sa hapon at gabi dulot parin ng mga localized thunder storm.
Posible namang makaapekto ang easterlies sa silangang bahagi ng kabisayaan kaya mataas ang tiyansa ng mga pag-ulan ngayong araw.
Unit-unti namang gaganda ang panahon sa nalalabing bahagi ng Visayas at sa buong bahagi ng Mindanao.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:15 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:02 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero